top of page

VMLP Bulacan Chapter, Nagsagawa ng Year-End Fellowship


Matagumpay na idinaos ang Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Bulacan Chapter Monthly Regular Meeting and Year-End Fellowship nitong nakaraang ika-5 ng Disyembre, kung saan nagtipon-tipon ang mga Pangalawang Punong Bayan mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod ng lalawigan.


Ang pagtitipong ito ay nagsilbing pagkakataon upang talakayin ang mga mahahalagang isyu sa lehislatura, ibahagi ang mga best practices ng bawat bayan, at lalo pang patatagin ang ugnayan ng mga bise mayor sa buong Bulacan.


Sa ginanap na regular meeting, binalikan ng mga opisyal ang mga naging tagumpay ng organisasyon sa loob ng taong 2025. Tinalakay rin ang mga polisiya at programang nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyo-publiko sa antas ng Sangguniang Bayan at Panlungsod.


Naging bahagi rin ng aktibidad ang Year-End Fellowship, kung saan ipinagdiwang ng mga opisyal ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Sa kabila ng mga hamon sa kani-kanilang mga lokalidad, ipinamalas ng VMLP-Bulacan ang kanilang matibay na alyansa para sa ikauunlad ng lalawigan.

Comments


bottom of page