top of page

Wild Card Edition ng San Rafael Christmas Bazaar Dance Contest, Gaganapin Ngayong Gabi!


Handa na ba kayong muling humataw? Ngayong gabi na ang masayang Wild Card Edition ng ating inaabangang San Rafael Christmas Bazaar Dance Contest!


Ito ang huling pagkakataon para sa mga piling grupo na muling ipakita ang kanilang husay at makuha ang huling slot patungo sa pinaka-inaabangang Grand Finals na gaganapin bukas, ika-22 ng Disyembre.


Pinapayuhan ang mga napiling grupo na agad makipag-ugnayan sa ating Bazaar Committee para sa kumpirmasyon ng inyong paglahok. Maaari rin kayong mag-email sa sanrafael.socmed2025@gmail.com


Ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay naglalayong bigyan ng mas malawak na pagkakataon ang ating mga lokal na talento na magningning ngayong Kapaskuhan.



Comments


bottom of page