top of page

Work Immersion sa SB Office, Matagumpay na Natapos ng mga Mag-aaral


Nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion kina Carl Daniel Venturina at Prinz Adrian V. Oriño mula sa Montessori de San Rafael sa matagumpay nilang pagtatapos ng Work Immersion Program.


Ang mga nasabing mag-aaral ay sumailalim sa pagsasanay sa ilalim ng tanggapan ng Sangguniang Bayan, kung saan nakakuha sila ng aktuwal na karanasan sa takbo ng lokal na lehislatura at serbisyo publiko.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Vice Mayor Edison ang kanyang hangarin na ang mga kaalaman at karanasang nakuha ng mga estudyante sa loob ng munisipyo ay magsilbing matibay na pundasyon at inspirasyon sa kanilang pagpasok sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral. Ang programang ito ay bahagi ng suporta ni Kuya Edison sa paghubog ng kakayahan ng mga kabataang San Rafaeleño para sa kanilang kinabukasan.

Comments


bottom of page