top of page

Year-End Evaluation at Parangal para sa mga Kawani ng San Rafael, Matagumpay na Idinaos



Isang masaya at makabuluhang pagtatapos ng taon ang ipinagdiwang ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa ginanap na Year-End Evaluation ngayong linggo. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Ang pagtitipon ay hindi lamang naging pagsusuri sa mga naging tagumpay ng bayan sa nakalipas na taon, kundi isang pagkakataon upang bigyang-pugay ang mga taong nasa likod ng bawat serbisyong natatanggap ng mga San Rafaeleño.


Sentro ng programa ang pagkilala sa mga indibidwal na nag-alay ng kanilang panahon at talino para sa bayan. Iginawad ang mga parangal para sa Loyalty Awardees, Retirees at Natatanging Kawani bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang tapat, masipag, at patuloy na paglilingkod sa bayan.


Naging masigla ang buong programa dahil sa mga inihandang dance performances ng bawat departamento na nagpakita ng kanilang pagkamalikhain. Hindi rin nawala ang excitement sa mga inihandang raffle draws at mga surpresang handog mula sa ating mga opisyal at mga mabubuting sponsors.


Ayon kay Mayor "Goto" Violago, ang aktibidad na ito ay mahalaga upang higit pang pagtibayin ang samahan at pasiglahin ang bawat kawani sa kanilang pagpasok sa susunod na taon.

Comments


bottom of page