Youth Development Officer Sir Erl Veneracion, Ipinagdiriwang ang Kanyang Kaarawan
- SB San Rafael

- Jan 30
- 1 min read

Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan para sa ating masipag na Youth Development Officer, G. Ernesto Luis G. Veneracion, o mas kilala ng marami bilang Sir Erl.
Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan ang pagbati para sa lingkod-bayan na katuwang sa paghubog at paggabay sa mga kabataang San Rafaeleño.
Hangad ng buong munisipyo ang kanyang patuloy na mabuting kalusugan at mas marami pang biyaya mula sa Panginoong Maykapal. Ang dedikasyon ni Sir Erl sa pagpapaunlad ng sektor ng kabataan ay nagsisilbing mahalagang haligi sa pag-unlad ng ating bayan.





Comments