Youth Power: Run Kabataan 2025 Re-cap
- SB San Rafael

- Jan 19
- 1 min read
Matagumpay na idinaos ang Run Kabataan 2025, isang aktibidad na naglayong paigtingin ang kamalayan at aktibong pamumuhay ng mga kabataang San Rafaeleño.
Ang naturang programa ay inihandog ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Cipriano D. Violago Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, katuwang ang buong Sangguniang Bayan. Sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO), layon ng takbo na hikayatin ang kabataan na makilahok sa mga proyektong nagpapaunlad ng kanilang kalusugan at disiplina.
Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng nakiisa at tiniyak na marami pang mga programa para sa kabataan ang ilulunsad ngayong taong 2026. Ang "Run Kabataan" ay bahagi ng adhikain ng bayan na hubugin ang isang masigla at produktibong susunod na henerasyon.





Comments