Unang Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael
- SB San Rafael

- Jul 7, 2025
- 1 min read
Updated: Jul 15, 2025

Sa pamumuno ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, matagumpay na naisagawa ang unang pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan kasama ang mga iginagalang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.
Ang nasabing pagpupulong ay layuning pag-usapan at aprubahan ang Internal Rules ng Sanggunian, ito ay isang mahalagang dokumento na gumagabay sa maayos, sistematiko, at pormal na pagsasagawa ng mga sesyon, deliberasyon, at pagdedesisyon ng lokal na lehislatibo.
Kaalinsabay nito, inaprubahan ang kani-kanilang komite bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagsusulong ng makabuluhang batas lokal at epektibong paglilingkod sa bayan.





Comments