top of page

Ika-10 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, Naging Makabuluhan sa Pagpapatibay ng mga Resolusyon at Pagkilala sa mga Organisasyon

Updated: Dec 8, 2025


Isinagawa ang ika-sampung (10) Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.


Tinalakay at pinagtibay sa sesyon ang mga mahahalagang resolusyon at kautusan na may layuning higit pang mapaunlad ang bayan at matiyak ang maayos na serbisyo sa mga mamamayan.


Mga Pinagtibay sa Dagliang Talakayin:

  1. Kapasiyahan na nagpapahintulot kay Mayor Cipriano D. Violago, Jr. na pumasok sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DOST Regional Office III at NEUST para sa proyektong CEST 2024, na layong maghatid ng solar irrigation trailer units sa mga piling benepisyaryo.


  2. Kapasiyahan na nagbibigay awtorisasyon kay Mayor Violago na pumasok sa limang (5) taong kontrata ng pagpapaupa sa Raymond Photography para sa paggamit ng isang opisina sa lumang gusali ng munisipyo.



Mga Pinagtibay sa Ikatlo at Huling Pagbasa:

  1. Pag-apruba sa Supplemental Budget Blg. 01 ng SK Pulong Bayabas (₱63,649.92)

  2. Pag-apruba sa Supplemental Budget Blg. 01 ng SK Maronquillo (₱107,398.44)

  3. Pag-apruba sa kahilingan nina Regina Aguilar Felipe at Angelo Del Rosario para sa SB Clearance ng kanilang 300 sqm private resort sa Brgy. Caingin4–21. Pag-apruba ng mga kahilingan para accreditation ng 18 organisasyon at kooperatiba mula sa iba’t ibang barangay ng San Rafael, kabilang na ang mga samahan ng magsasaka, mangingisda, kababaihan, kooperatiba, at mga civic groups tulad ng:

  4. San Rafael Ladies Club, Inc.

  5. Samahan ng mga Magsasaka at Maggugulay ng Tukod

  6. Alyansa ng mga Magsasaka at Maggugulay ng Tukod

  7. Pasong Intsik Palay and Vegetable Growers Association, Inc.

  8. Pantubig Turbine Pump Irrigators Association

  9. San Rafael Vegetable Growers (Sampaloc)

  10. Barangay Sapang Pahalang Palayamanan Farmers Association

  11. Ulingao-Pinacpinacan Irrigators Association

  12. Samahang Magsasaka ng Palay at Gulay ng Libis

  13. Samahan ng Mangingisda ng Barangay Poblacion

  14. Baliuag TCP TODA

  15. Sacred Heart Credit and Development Cooperative

  16. Coral na Bato Farmers Association, Inc.

  17. ADYA Maningsing Irrigators Association, Inc.

  18. Citizen Anti-Crime Assistance Group, Inc. (CAAG)

  19. Grand San Rafael Eagles Club, Inc.

  20. Maguinao Athletic Club, Inc. (MAC)

  21. Maronquillo Multipurpose Cooperative


Patuloy ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pagsuporta sa mga inisyatiba at adhikain ng mga sektor ng lipunan, bilang katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagsulong ng makabuluhang serbisyo para sa lahat ng San Rafaeleño.

Comments


bottom of page