Ika-11 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nagpatibay ng Mahahalagang Resolusyon at Pagkilala sa mga Lokal na Organisasyon
- SB San Rafael

- Sep 18, 2025
- 2 min read

Isinagawa ang Ika-11 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.
Mga Napagtibay na Kapasiyahan sa Ilalim ng Dagliang Talakayin:
Kapasiyahan na humihiling sa Sangguniang Bayan na tanggapin ang Provincial Ordinance No. 118-2025 na naglalayong gawing institusyon ang pagtatatag at operasyon ng Province-Wide Health System (PWHS), kabilang ang kaukulang support systems.
Mga Napagtibay na Kapasiyahan sa Ikatlo at Huling Pagbasa:
Liham mula kay Mrs. Nerissa V. Pascual na humihiling ng reclassification ng 7,400 sqm lupa mula agricultural patungong commercial para sa itatayong pavilion, private pool, at villas sa Barangay Coral na Bato.
Pag-apruba sa Supplemental Budget Blg. 01 ng SK Pantubig (₱128,647.96)
Pag-apruba sa Supplemental Budget Blg. 01 ng SK Pinac-pinacan (₱80,613.61)
Pag-apruba sa Supplemental Budget Blg. 01 ng SK Dagat-dagatan (₱23,891.51)
Mga Inaprubahang Kahilingan para sa Accreditation ng mga Organisasyon:
Agribusiness Farmworkers Livelihood & Agriculture Cooperative (Capihan)
BTMPPC TODA (Poblacion)
San Rafael Bulacan Minister of Council, Inc. (Tambubong)
Samahan ng Magsasaka at Maggugulay ng Maronquillo, Inc. (Maronquillo)
Palanguyan Sa Bunay Irrigators Association, Inc. (Caingin)
Maguinao Farmers Association (Maguinao)
Palayaman Plus sa San Rafael Bulacan (Dagat-dagatan)
Magsasakang Siyentista Kapatiran sa Pag-unlad Farmers Association (Diliman I)
Hagdang Betang Irrigators Association (Paco)
MASACPI Irrigators Association (San Roque)
Pulo Rice and Vegetable Growers Association (Pulo)
Samahan ng Mangingisda ng San Rafael Looban, Inc. (Poblacion)
Pasong Callos Farmers Association, Inc. (Pasong Callos)
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Sangguniang Bayan na palakasin ang mga lokal na sektor at suportahan ang mga organisasyong may mahalagang papel sa pag-unlad ng San Rafael. Patunay ito ng kanilang aktibong pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad at pagpapatupad ng mga programang tunay na makatao at makabayan.





Comments