top of page

PASIKLAB SA PASKO! San Rafael, Bulacan, Handa na sa Libreng Zumba ngayong Gabi


Ngayong gabi, Sabado, Disyembre 6, 2025, inaanyayahan ang lahat ng residente ng San Rafael, Bulacan, na maki-isa sa isang masigla at libreng Zumba session na gaganapin sa Municipal Grounds bilang bahagi ng taunang Christmas Village & Bazaar ng bayan.


Magsisimula ang masasayang pag-iindak bandang alas-7:00 ng gabi, at pangungunahan ito ng mga kilalang Zumba Instructors na sina ZIN Chumack Calbay at ZIN Sarah Aguilar. Layunin ng aktibidad na ito na pasiglahin ang gabi, itaguyod ang healthy lifestyle, at lalong iparamdam ang diwa at saya ng Kapaskuhan sa buong komunidad.



"Tara na’t maki-indak at maki-saya muli! Sama-sama nating pasiglahin ang ating gabi habang pinaparamdam ang saya at diwa ng Pasko," ang panawagan ng mga lokal na pamunuan.


Ang pagdiriwang at programa ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan.

Comments


bottom of page