top of page

San Rafael SB, Nagpasa ng Mahahalagang Resolusyon; Edukasyon, Kabuhayan, at P117M na Pondo, Pinagtibay



Naging produktibo at hitik sa mahahalagang desisyon ang Ika-20 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael. Pinangunahan ang sesyon ni Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad, kung saan pinagtibay ang mga resolusyon na may malaking epekto sa ekonomiya at serbisyo ng bayan.


Dalawang (2) mahalagang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinahintulutan ang Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., na pasukin:

  1. Edukasyon at Propesyonalismo: Pinahintulutan ang MOA sa National University (NU) – Baliuag para sa Academic Industry Partnership. Layunin nito na palakasin ang educational experience at professional preparedness ng mga mag-aaral sa bayan.

  2. Kabuhayan ng Mangingisda: Pinagtibay ang MOA sa Department of Labor and Employment (DOLE) – Regional Office No. 3 para sa pagpapatupad ng livelihood project na pinamagatang “Bangka Para Sa Mangingisdang San Rafaeleño”, na inaasahang magpapalakas sa sektor ng pangingisda.


Isang resolusyon din ang napagtibay na nagpapahintulot kay Mayor Violago, Jr., para sa pag-renew ng Time Deposit na may malaking halagang One Hundred Seventeen Million Six Hundred Eighty Eight Thousand One Hundred Forty Three Pesos at 24/100 (P117,688,143.24)—isang hakbang upang mapanatili ang matatag na pananalapi ng munisipalidad.


Samantala, inaprubahan din ang re-alignment ng pondong nagkakahalaga ng P461,709.50 upang i-realign ang appropriation mula sa Terminal Leave Benefits patungong Year-End Bonus at Cash Gift, at iba pang expenses para sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan.


Pinagtibay din sa Ikatlo at Huling Pagbasa ang pagpapalabas ng Sangguniang Bayan Clearance para sa mga bagong commercial at industrial development sa bayan, kabilang ang:

  • Paggawa ng Tatlong (3) Warehouse sa Brgy. Caingin (Optimo Industrial Park) na hiniling ni G. Gabriel S. Mateo (GSM Consultancy Services).

  • Paggawa ng Warehouse, Dormitory, at Offices na may kabuuang sukat na 11,800 sq. meters sa Brgy. Maronquillo, na hiniling ng Philippine High Speed New Material Company, Inc.



Comments


bottom of page