Walang Bayad! Hinihikayat ang mga Motorista na Huwag Magbayad ng Parking Fee sa Christmas Village.
- SB San Rafael

- Dec 8, 2025
- 1 min read

Naglabas ng mahalagang paalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa lahat ng motorista at bisita ng Christmas Village & Bazaar: May inilaan at LIBRENG parking area para sa lahat, at mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paniningil.
Ipinunto ng mga organizer na ang paradahan ay ibinibigay LIBRE PO ITO AT WALANG KAHIT NA ANUMANG BABAYARAN para sa lahat ng mga bumibisita.
Ayon pa sa mga facilitator na kung makaranas ng paniningil o may makita pong naniningil ng parking fee, agad lamang pong ipagbigay-alam sa ating mga organizer na naka-duty sa lugar o magpadala ng mensahe sa official FB Page ng Pamahalaang Bayan.





Comments