top of page


TRAFFIC ADVISORY
Para sa gaganaping Angel Festival Streetdance Competition sa darating na Setyembre 29, 2025 (Lunes) , pansamantalang magkakaroon ng road closure at traffic rerouting sa mga apektadong kalsada mula 8:00 AM hanggang 11:30 AM . Pinapayuhan ang lahat ng motorista at commuters na magplano ng biyahe at gumamit ng alternatibong ruta sa nasabing oras. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

SB San Rafael
Sep 27, 20251 min read


Kon. Anna Maria “Ate Mel” Santos, Binati sa Kanyang Kaarawan ng Sangguniang Bayan
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan ang ipinahatid ng buong Sangguniang Bayan ng San Rafael kay Konsehal Anna Maria “Ate Mel” S. Santos. Sa kanyang espesyal na araw, ipinahayag ng mga kasamahan sa serbisyo ang pasasalamat at paghanga sa kanyang dedikasyon, malasakit, at walang sawang pagtupad sa tungkulin para sa ikauunlad ng bayan. Kasabay ng pagbati, dasal ng kanyang mga katuwang sa pamahalaan ang patuloy na pagpapala ng Diyos—kalusugan, karunungan, at lakas—upa

SB San Rafael
Sep 18, 20251 min read


Publikong Pagdinig para sa Itatayong Warehouse at Oil Refinery sa Brgy. Pantubig, Itinakda sa Setyembre 22
Inaanyayahan ang publiko na dumalo sa Public Hearing na gaganapin sa Lunes, Setyembre 22, 2025, ganap na alas-10:00 ng umaga sa mismong lokasyon ng proyekto sa Barangay Pantubig, San Rafael, Bulacan. Layunin ng pampublikong pagdinig na talakayin ang mga sumusunod na aplikasyon para sa Sangguniang Bayan Clearance : Liham mula kay G. Alden Go para sa pagpapagawa ng Warehouse 2 (2,630 sqm) at Warehouse 3 (2,340 sqm) sa Brgy. Pantubig. Isa pang liham mula rin kay G. Alden Go

SB San Rafael
Sep 18, 20251 min read


Ika-11 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nagpatibay ng Mahahalagang Resolusyon at Pagkilala sa mga Lokal na Organisasyon
Isinagawa ang Ika-11 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad ng Sangguniang Bayan. Mga Napagtibay na Kapasiyahan sa Ilalim ng Dagliang Talakayin: Kapasiyahan na humihiling sa Sangguniang Bayan na tanggapin ang Provincial Ordinance No. 118-2025 na naglalayong gawing institusyon ang pagtatatag at operasyon ng Province-Wide Health System (PWHS), kabilang

SB San Rafael
Sep 18, 20252 min read


Pre-Budget Hearing para sa 2026, Isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael
Pinangunahan ni Konsehal Edlin M. Indon, Tagapangulo ng Committee on Finance, Budget and Appropriations, ang Pre-Budget Hearing para sa taong 2026 na isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael. Katuwang niya sa pagpupulong si Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad ng Sanggunian. Layunin ng nasabing hearing na maiprisinta, masuri, at mapag-usapan ang panukalang badyet ng bayan para sa susunod na taon. Sa pamamagitan ng bukas na

SB San Rafael
Sep 18, 20251 min read


Ika-10 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, Naging Makabuluhan sa Pagpapatibay ng mga Resolusyon at Pagkilala sa mga Organisasyon
Isinagawa ang ika-sampung (10) Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan. Tinalakay at pinagtibay sa sesyon ang mga mahahalagang resolusyon at kautusan na may layuning higit pang mapaunlad ang bayan at matiyak ang maayos na serbisyo sa mga mamamayan. Mga Pinagtibay sa Dagliang Talakayin: Kapasiyahan na nagpapahintulot kay Mayor Ci

SB San Rafael
Sep 9, 20252 min read


San Rafael, Pinasinayaan ang Linggo sa Pagtataas ng Watawat at Pagkilala sa Natatanging Serbisyo ng mga Kawani
Nagsimula ang linggo ng Setyembre 8, 2025, sa Bayan ng San Rafael sa pamamagitan ng isang makabuluhang seremonya ng Pagtataas ng Watawat sa harap ng Municipal Hall. Pinangunahan ito ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa okasyong ito, ginawaran ng pagkilala sina Edwin Dulay (Supply Officer I) at Divine Vasallo (Registration Officer I) para sa kanilang 35 taon ng tapat na paglilingkod s

SB San Rafael
Sep 9, 20251 min read


Bodega ng Municipal Agriculture Office, Ininspeksiyon para sa Paghahanda sa mga Programang Pang-agrikultura
Personal na ininspeksiyon ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., kasama si Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan, ang bodega ng Municipal Agriculture Office ng San Rafael. Layunin ng inspeksiyon na tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga binhi, kagamitan, at iba pang gamit upang masiguro ang kahandaan ng mga ito para sa mga darating na programa at proyekto ng pamahalaan, partikular sa sektor ng

SB San Rafael
Sep 8, 20251 min read


Setyembre 29, 2025, Idineklara Bilang Special Non-Working Holiday sa San Rafael, Bulacan
Sa bisa ng Proclamation No. 1019 , idineklara ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sa ngalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na ang Lunes, Setyembre 29, 2025, ay isang special (non-working) day sa Bayan ng San Rafael, Lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing araw ay itinakda upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Founding Anniversary ng San Rafael. Layunin ng deklarasyon na bigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng bayan na makiisa at makisaya sa nasabing mahala

SB San Rafael
Sep 8, 20251 min read


PWD Federation sa San Rafael, Pinalakas sa Pamamagitan ng Benchmarking at Capacity Building
San Rafael, Bulacan – Nakiisa ang inyong lingkod, kasama ang Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa matagumpay na isinagawang Benchmarking at Capacity Building ng Federation of Persons with Disabilities (PWDs). Isinulong ang aktibidad bilang isang makabuluhang hakbang para palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng PWD Federation at pagtibayin ang kanilang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng komunidad. Lubos ding kinikilala ang kanilang kasipagan, dedikasyon, at walang humpay

SB San Rafael
Sep 5, 20251 min read


𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐂𝐑𝐄𝐃𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
Sa tagubilin ni Kgg. Gerardo C. Torres, Tagapangulo ng Committee on Recognition and Accreditation, inaanyayahan ang mga sumusunod na...

SB San Rafael
Sep 2, 20251 min read


IKA-9 NA PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN
Pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang...

SB San Rafael
Sep 2, 20255 min read


Walang Pasok: September 1, 2025
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Alinsunod sa pahayag ng DILG Philippines, walang pasok sa mga paaralan at maging sa mga pampublikong tanggapan...

SB San Rafael
Sep 1, 20251 min read
Archives
bottom of page

