top of page


Happy Birthday Janeth Herrera!
Nagpaabot ng mainit na pagbati si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion kay Kagawad Janeth Herrera ng Barangay San Roque, sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. Kinilala din ni Vice Mayor Veneracion ang mahalagang dual role ni Kagawad Herrera bilang miyembro ng Alliance of the Youth of San Rafael (AYSR) at isa sa mga masisipag na opisyal na naglilingkod bilang Kagawad ng Brgy. San Roque.

SB San Rafael
Dec 9, 20251 min read


Pagbibigay Pugay sa Kaarawan ni Konsehal Joel!
Nagpaabot ng pagbati si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion sa kasamahan sa Sangguniang Bayan, si Kgg. Joel M. Veneracion, sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan. Ipinahayag ni Vice Mayor Veneracion na ang buong pamilya niya ay nakikiisa sa pagdiriwang. Kinilala niya si Konsehal Joel, bilang isang kaibigan at kasangguni sa lehislatura ng bayan. Hiling din nito ang masayang pagdiriwang ng kaarawan at patuloy na pagpalain ng mabuting kalusugan.

SB San Rafael
Dec 9, 20251 min read


Special Non-Working Holiday para sa Kapistahan ng Inmaculada Concepcion; Panawagan sa Pagninilay
Bilang pagdiriwang sa Feast of the Immaculate Conception, idineklara ang araw na ito, Disyembre 8, bilang Special Non-Working Holiday. Nagpaabot ng paalala ang Pamahalaang Lokal, sa pamamagitan ni Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion, hinggil sa kahalagahan ng okasyong ito para sa pananampalataya ng mga Katoliko. Ang Immaculate Conception ay isang mahalagang okasyon na pinaniniwalaang ipinagbuntis si Birheng Maria nang walang bahid ng original sin (na namana kay Adan at Eba)

SB San Rafael
Dec 8, 20251 min read


Maligayang Kaarawan kay Jessthony Catimbang ng AYSR
Nagpaabot ng mainit na pagbati si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion kay Jessthony Catimbang, isa sa mga masisipag na miyembro ng Alliance of the Youth of San Rafael (AYSR), sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

SB San Rafael
Dec 8, 20251 min read
Damhin ang Diwa ng Pasko: San Rafael Christmas Village, Bukas Para sa Lahat!
Pormal na inimbitahan ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., ang lahat ng residente at karatig-bayan na bumisita at magdiwang sa San Rafael Christmas Village & Bazaar, na puno ng kulay, ilaw, at iba't ibang aktibidad. Ayon sa Punong Bayan, ang Christmas Village ay idinisenyo upang maging sentro ng selebrasyon, na siguradong magpapangiti sa bawat miyembro ng pamilya dahil sa handog nitong, makukulay na Christmas lights, masasarap na kainan at masasayang palabas at iba’t iba

SB San Rafael
Dec 8, 20251 min read


Mayor Violago at Mrs. Mabel Violago, Nagdiwang ng Taunang Renewal of Vows
Isang napakahalagang araw ang ika-8 ng Disyembre para kay Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., at sa kanyang maybahay na si Mrs. Mabel Violago, sapagkat kaalinsabay ng Kapistahan ng Immaculada Concepcion ay ipinagdiwang din ng mag-asawa ang kanilang anibersaryo ng kasal. Ayon kay Mayor Violago, taon-taon nilang ginugunita ang araw na ito sa pamamagitan ng pagdalo sa misa at renewal of vows, na nagpapatibay sa kanilang sumpaan, pananampalataya, at pagmamahalan. Sa isang mens

SB San Rafael
Dec 8, 20251 min read


Walang Bayad! Hinihikayat ang mga Motorista na Huwag Magbayad ng Parking Fee sa Christmas Village.
Naglabas ng mahalagang paalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa lahat ng motorista at bisita ng Christmas Village & Bazaar: May inilaan at LIBRENG parking area para sa lahat, at mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paniningil. Ipinunto ng mga organizer na ang paradahan ay ibinibigay LIBRE PO ITO AT WALANG KAHIT NA ANUMANG BABAYARAN para sa lahat ng mga bumibisita. Ayon pa sa mga facilitator na kung makaranas ng paniningil o may makita pong naniningil ng parking

SB San Rafael
Dec 8, 20251 min read


Maligayang Kaarawan kay SB Staff Dexter Almera
Nagpaabot ng taos-pusong pagbati si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion (Kuya Edison) kay Dexter Almera, isa sa mga masisipag na staff ng Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael, sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. Sa kanyang mensahe, kinilala ni Vice Mayor Veneracion ang mahalagang papel at dedikasyon ni G. Almera sa pagsuporta sa mga operasyon at serbisyo ng lehislatibong sangay ng bayan.

SB San Rafael
Dec 7, 20251 min read


CFGHS, TUMANGGAP NG GAWAD KALASAG! Itinanghal na Ika-2 Pinakamahusay na Public High School sa 2025
Naghatid ng malaking karangalan sa Bayan ng San Rafael ang Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) matapos pormal na pinarangalan at tumanggap ng plake bilang 2nd Best Public High School sa ginanap na Gawad KALASAG 2025. Ipinagmamalaki ang tagumpay na ito ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, na siyang nagpaabot ng mainit na pagbati sa buong komunidad ng paaralan. Ang Gawad KALASAG ay itinuturing na pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga organisasyon, l

SB San Rafael
Dec 7, 20251 min read


GAWAD KALASAG 2025: San Rafael, Bulacan, Ginawaran ng Pagkilala sa Disaster Risk Reduction
Muling itinaas ng San Rafael, Bulacan, ang bandila ng paglilingkod matapos makatanggap ang Pamahalaang Bayan ng isang plake ng pagkilala sa prestihiyosong GAWAD KALASAG 2025 awarding ceremony. Ang pagkilalang ito ay iginawad bilang pagpupugay sa matatag na paglilingkod, dedikasyon, at sakripisyo ng San Rafael, gayundin sa mga natatanging nagawa nito sa larangan ng disaster risk reduction sa gitna ng mga hamon ng sakuna sa bansa. Naging kwalipikado ang San Rafael matapos niton

SB San Rafael
Dec 6, 20251 min read


The Evergreen Elfs, Naghari sa Dance Contest ng San Rafael Christmas Village; Pasok na sa Finals!
Naging matagumpay at napuno ng sigla ang ginanap na Dance Contest kagabi, Biyernes, sa San Rafael Christmas Village and Bazaar, kung saan lalong nagningning ang galing sa pagsayaw ng mga lokal na grupo. Nanguna at kinoronahan bilang 1st Placer ang grupong The Evergreen Elfs, na nagbigay sa kanila ng pangalawang slot upang pormal na makapasok sa Finals ng paligsahan. Hindi rin nagpahuli ang MNHS Dance Troupe, na matagumpay na nag-uwi ng 2nd Placer trophy, habang nakamit naman

SB San Rafael
Dec 6, 20251 min read


PASIKLAB SA PASKO! San Rafael, Bulacan, Handa na sa Libreng Zumba ngayong Gabi
Ngayong gabi, Sabado, Disyembre 6, 2025, inaanyayahan ang lahat ng residente ng San Rafael, Bulacan, na maki-isa sa isang masigla at libreng Zumba session na gaganapin sa Municipal Grounds bilang bahagi ng taunang Christmas Village & Bazaar ng bayan. Magsisimula ang masasayang pag-iindak bandang alas-7:00 ng gabi, at pangungunahan ito ng mga kilalang Zumba Instructors na sina ZIN Chumack Calbay at ZIN Sarah Aguilar. Layunin ng aktibidad na ito na pasiglahin ang gabi, itaguyod

SB San Rafael
Dec 6, 20251 min read


CFGHS, Kinilala bilang Ika-2 Pinakamahusay na Public High School sa GAWAD KALASAG 2025
Naghatid ng malaking karangalan sa Bayan ng San Rafael ang Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) matapos nitong tanggapin ang Plake ng Pagkilala bilang 2nd Best Public High School sa ginanap na Gawad KALASAG 2025 Ang Gawad KALASAG ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga organisasyon, lokal na pamahalaan, paaralan, at mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan at nangunguna sa disaster preparedness, response, at humanitarian assistance. Agad na nagpaabot ng lubos n

SB San Rafael
Dec 6, 20251 min read


Mayor Violago, Nagpasalamat sa Patuloy na Pakikiisa; Tanggapan, Mananatiling Bukas para sa Lahat
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., sa lahat ng San Rafaeleñong patuloy na nagpapamalas ng pakikiisa at pagsuporta sa Pamahalaang Bayan. Kinilala ng Punong Bayan ang mahalagang papel ng komunidad sa epektibong pamamahala, partikular sa mga dumudulog upang magbahagi ng kanilang saloobin at pangangailangan. Bilang pagpapatibay sa kanyang pangako ng participative governance , mariing inulit ng alkalde na ang kanyang opisina ay nananatil

SB San Rafael
Dec 5, 20251 min read


Vice Mayor Veneracion: Saludo sa 'Bagong Bayani' ng San Rafael; AYOS, Pinuri sa Walang Sawang Paglilingkod
Nagbigay-pugay si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion sa lahat ng boluntaryo ng San Rafael bilang paggunita sa International Volunteer Day (IDV) ngayong araw, Disyembre 5. Kinilala niya ang mga boluntaryo bilang "bagong bayani" ng pamayanan. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Vice Mayor Veneracion ang mga samahan at indibidwal na naglalaan ng oras at lakas para sa ikabubuti ng bayan. Binigyang-diin ang dedikasyon at kahanga-hangang serbisyo ng Alliance of the Youth

SB San Rafael
Dec 5, 20251 min read


Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Nagpaabot ng Pagbati kay Municipal Accountant Forlales
Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa kanilang masipag at dedikadong opisyal, si Municipal Accountant Gng. Emerenciana DL. Forlales, sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan.

SB San Rafael
Dec 4, 20251 min read


Vice Mayor Veneracion: Alagaan Natin ang Kalikasan at Wildlife!
Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng San Rafael sa paggunita ng World Wildlife Conservation Day ngayong araw, Disyembre 4. Nagbigay ng pahayag si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion upang pataasin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga hayop at kanilang natural na tirahan. Binigyang-diin ni Vice Mayor Veneracion na mas kailangan nating maging responsable at mapagmatyag dahil sa patuloy na banta ng, Habitat loss, Ilegal na panghuhuli, Climat

SB San Rafael
Dec 4, 20251 min read


Pagbati sa mga Bagong Kasal ng San Rafael
Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Punong Bayan ng San Rafael, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., kasama ang buong Pamahalaang Bayan, sa mga residente ng San Rafael na nagtali ng sumpaan ng pag-ibig at pormal na nag-isang dibdib kamakailan Kinilala at binati ng Punong Bayan ang mga sumusunod na pares na nagpatibay ng kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng kasal: Mr. & Mrs. Dexter Jr. & Ronette Villamor Mr. & Mrs. Ace Jan & Erika Baciles Mr. & Mrs. John Patrick & Marian Parfan

SB San Rafael
Dec 4, 20251 min read


Mga Mag-aaral ng San Rafael, Nakiisa sa Tree Planting Activity sa Pasong Bangkal San Rafael, Bulacan
Nagsama-sama ang mga kabataan mula sa iba’t ibang student organizations ng Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) sa isang makabuluhang Tree Planting Activity na isinagawa noong Miyerkules, ika-3 ng Disyembre, sa Pasong Bangkal, San Rafael, Bulacan. Pinangunahan ang gawaing ito ng Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Senior Environmental Management Specialist–OIC Rea Joy Calderon . Nakipag-ugnayan din ang MENRO kina Dr. Ceanc

SB San Rafael
Dec 4, 20251 min read


Mayor Violago at Sangguniang Bayan, Nagbigay-pugay sa SGLGB Awardees sa Pagtataas ng Watawat
Pinangunahan ng mga opisyales ng San Rafael ang Lingguhang Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat noong Lunes, Disyembre 1, 2025, at kasabay nito ay binigyang-pugay ang mga barangay na matagumpay na nakamit ang Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB). Ang Lingguhang Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat ay pinamunuan ng Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan. Ang

SB San Rafael
Dec 3, 20251 min read
Archives
bottom of page

