top of page


Christmas Village & Bazaar 2025, Opisyal nang Binuksan!
Isang mahiwagang gabi ang bumalot sa Municipal Grounds ng San Rafael noong nakaraang Lunes, ika-17 ng Nobyembre, sa matagumpay na paglulunsad ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025. Ang nasabing kaganapan ay naging hudyat ng pagsisimula ng masigla at makulay na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa ating bayan. Binigyang-buhay ang programa ng mga talentadong batang mananayaw mula sa Brgy. Sampaloc na naghandog ng isang masiglang dance performance . Hindi rin nagpahuli sa galing

SB San Rafael
Nov 19, 20251 min read


Kapayapaan at Kaligtasan ng San Rafael, Tinalakay sa 4th Quarter Joint MPOC & MADAC Meeting
Upang masiguro ang isang mapayapa at ligtas na pagtatapos ng taon, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 4th Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa ating bayan. Ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma upang balangkasin ang mga bagong estratehiya at talakayin ang mga mahahalagang updates na may kinalaman sa seguridad at kampanya laban sa ilegal na droga. Pinangunahan ang pagpupulong ng ating Punong B

SB San Rafael
Nov 19, 20251 min read


Langit ng San Rafael, Magniningning Gabi-gabi sa Fireworks Display ng Christmas Village 2025!
Hindi lamang sa lupa ramdam ang saya ng Pasko, kundi pati na rin sa kalangitan ng ating bayan! Inanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga residente at bisita na saksihan ang nakaka-manghang Fireworks Display na idinaraos gabi-gabi sa ating Christmas Village. Ang gabi-gabing pailaw ay bahagi ng mga inihandang surpresa ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. upang mas lalong maging espesyal ang karanasan ng bawat pamilyang bumibisita sa munisipyo. Lay

SB San Rafael
Nov 18, 20251 min read


SB San Rafael, Isinusulong ang Proposed Anti-Bullying Ordinance
Bilang bahagi ng pagpapatibay sa kapakanan ng mga residente, isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael ang isang Committee Hearing upang talakayin ang Proposed Anti-Bullying Ordinance ng munisipalidad. Ang isinagawang pagdinig ay base sa isang pagpaplano na isinapubliko noong Nobyembre 17. Ang ordinansa ay isinusulong bilang patuloy na adhikain ng Pamahalaang Lokal na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at makataong kapaligiran para sa lahat ng mamamayan, lalo na sa

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read
Lingguhang Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Health Office
Isang mapagpala at makabuluhang Lunes ang bumati sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa muling pagsasagawa ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong araw, ika-17 ng Nobyembre sa harap ng ating Munisipyo. Para sa linggong ito, ang palatuntunan ay pinangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO) sa ilalim ng dedikadong pamumuno ni Dr. Maria Cristina S. Vergel De Dios. Bukod sa seremonya, nagbigay rin ang MHO ng mga paalala at updates hinggil sa mga programang pangka

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


SB San Rafael, Nagsagawa ng Committee Hearing para sa Public Safety Plan
Nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael ng isang mahalagang Committee Hearing kaugnay sa pagbalangkas at pagpapatupad ng Peace and Order Public Safety Plan (POPSP) para sa bayan. Katuwang sa pagtalakay ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at sektor ng komunidad upang masiguro na ang magiging polisiya ay inklusibo at makakatugon sa tunay na pangangailangan ng bawat kabarangay. Ang input mula sa iba't ibang sektor ay mahalaga upang makalikha ng isang safety

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


LGU San Rafael, Puspusan ang Paghahanda para sa SGLG Validation.
Upang matiyak ang kahandaan ng bayan sa pag-abot ng pinakamataas na pamantayan ng serbisyo publiko, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang SGLG Mock Assessment nitong nagdaang Biyernes, ika-14 ng Nobyembre. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng istratehikong hakbang ng lokal na pamahalaan upang masigurong selyado at kompleto ang lahat ng rekisitos bago ang nakatakdang opisyal na validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong taon. Ang mock assessm

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


P22.5M Pondo, Inilipat sa Road Concreting at Heritage Park; Organic Agriculture, Ginawang Institusyonal sa Ika-19 na SB Session
Naging sentro ng mga mahahalagang desisyon para sa pagpapaunlad ng imprastraktura at social welfare ang Ika-19 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ngayong araw Nobyembre 17, na pinamunuan ni Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion. Kabilang sa pinakamalaking napagtibay ay ang resolusyon para sa re-alignment ng pondo na nagkakahalaga ng P22.5 Milyong Piso. Ang malaking halaga ay inilipat-linya mula sa mga naunang

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


Kita-kits Mamaya! San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, Opisyal nang Bubuksan Ngayong Gabi
Ang pinakahihintay na gabi ay narito na! Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga kababayan na makiisa at tunghayan ang makulay at masayang Grand Opening ng San Rafael Christmas Village and Bazaar 2025. Ngayong gabi, magbabago ang anyo ng ating Municipal Ground tungo sa isang mahiwagang lugar na puno ng liwanag at pag-asa. Siguradong mag-eenjoy ang bawat miyembro ng pamilya sa mga inihandang atraksiyon na isang engrandeng lighting ceremony na sasabaya

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


Kapitan Allan M. Pantaleon, Nagdiwang ng Kaarawan
Isang masaya at mapagpalang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga dedikadong lingkod-bayan ng ating bayan, ang masipag na Punong Barangay ng Tambubong, Kap. Allan M. Pantaleon. Bilang ama ng Barangay Tambubong, kinikilala ang kanyang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan at paghahatid ng serbisyo sa kanyang mga nasasakupan. Nagkaisa ang buong pamunuan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng kanilang pagbati. Pinangunahan ito nina Punong B

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


SB, Tinalakay ang Ipatutupad na Solid Waste Management Plan sa mga Barangay
Nagsagawa ng mahalagang Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael upang masusing talakayin at balangkasin ang Solid Waste Management Plan (SWMP) na ipapatupad sa lahat ng barangay sa bayan. Magiging katuwang ng mga barangay ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang magbigay ng teknikal na suporta, training , at monitoring upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng plano.

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


SB San Rafael, Isinusulong ang Ordinansa Laban sa Malalayang Pagpapagala ng Hayop
Nagsagawa ng Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael upang talakayin ang isang Proposed Ordinance na nagbabawal sa pagpapaligaw o malayang pagpapagala ng mga hayop sa mga pampublikong lugar sa loob ng bayan. Hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng tagapag-alaga at may-ari ng mga hayop na makiisa at maging katuwang sa layuning mapanatili ang kaligtasan, kalinisan, at kapayapaan sa buong Bayan ng San Rafael. Ang inaasahang pagpapatupad ng ordinansa ay m

SB San Rafael
Nov 17, 20251 min read


San Rafael, Handa na para sa Grand Opening ng Christmas Village & Bazaar 2025
Ang pananabik ay abot-langit na sa buong bayan dahil isang tulog na lang at pormal na nating masasaksihan ang opisyal na pagbubukas ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025! Matapos ang ilang linggong paghahanda, handa na ang Municipal Grounds na maghatid ng mahiwagang karanasan para sa bawat San Rafaeleño. Ang proyektong ito, na pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay binuo upang maging sentro ng selebrasyon ng ating komun

SB San Rafael
Nov 16, 20251 min read


San Rafael Municipal Grounds, Buhay na Buhay na Bago ang Grand Opening!
Kahit wala pa ang opisyal na grand opening , hindi na napigilan ang dagsa ng ating mga kababayan na nais nang maramdaman ang diwa ng Pasko! Kasalukuyang makikita ang masayang vibe sa San Rafael Christmas Village & Bazaar habang sinusulit ng mga San Rafaeleño ang mga pre-opening attractions. Ang pinipilahan at pinaka-inaabangan ng lahat ay ang Libreng Carousel! Hindi lang ito para sa mga chikiting, dahil bukas din ito para sa mga young at heart na nais balikan ang saya ng pag

SB San Rafael
Nov 15, 20251 min read


Kasalang Bayan 2025 sa San Rafael, Matagumpay na Idinaos
Isang matamis at makasaysayang kaganapan ang namayani sa Bayan ng San Rafael noong ika-27 ng Oktubre, matapos magpalitan ng matamis na "I do" ang maraming pares ng ating mga kababayan sa ginanap na Kasalang Bayan 2025. Ang seremonya ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago, Jr., na nagsilbing solemnizing officer. Kasama niyang sumaksi at sumuporta sa mga bagong kasal sina Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracio at mga kagalang-galang na Miyemb

SB San Rafael
Nov 14, 20251 min read


Kinilala sa Singapore! Kababayan Natin, Nagwagi sa EDUtech Asia Planet Protectors
Muling napatunayan ang talino at husay ng mga San Rafaeleño sa larangan ng teknolohiya at adbokasya sa katatapos lamang na EDUtech Asia Planet Protectors na ginanap sa bansang Singapore. Isang malaking karangalan ang iniuwi ni James Victor R. Santiago, isang mahusay na mag-aaral mula sa Brgy. Talacsan at kasalukuyang nag-aaral sa Baliuag University. Si James at ang kanyang koponan ay matagumpay na nakamit ang mga prestihiyosong parangal,1st Runner-Up – EDUtech Asia Planet Pro

SB San Rafael
Nov 13, 20251 min read


Kapitan Aurelio "Yeyo" Samaniego, Nagdiwang ng Kaarawan
Isang masaya at makabuluhang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan, ang masipag na Punong Barangay ng Pansumaloc, Kap. Aurelio E. Samaniego, o mas kilala ng marami sa tawag na "Kapitan Yeyo." Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa kanyang mga kanayon sa Barangay Pansumaloc, nagpaabot ng isang mainit na pagbati ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael. Ang pagpupugay na i

SB San Rafael
Nov 12, 20251 min read


Pag-iisang Dibdib nina Alberto at Ma. Christy
Selyado na ang pagmamahalan! Isang espesyal na seremonya ng pag-iisang dibdib ang naganap ngayong araw kung saan naging saksi at solemnizing officer ang ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., para sa pagpapakasal nina Mr. Alberto Escultura at Mrs. Ma. Christy Escultura. Taos-pusong binati ni Mayor "Goto" Violago ang bagong mag-asawa at ipinaabot ang kanyang kagalakan sa kanilang desisyong pagtibayin ang kanilang ugnayan. Kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng San

SB San Rafael
Nov 11, 20251 min read


Nutrition Officer Kristina Anne Bisquera, Nagdiwang ng Kaarawan
Isang masaya at mapagpalang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga katuwang ng ating bayan sa pagsusulong ng malusog na pamayanan—ang ating masipag na Nutrition Officer, Ma’am Kristina Anne A. Bisquera , o mas kilala sa tawag na "Ma’am Tine." Bilang Nutrition Officer, mahalaga ang papel na ginagampanan ni Ma'am Tine sa pagtitiyak na ang mga programa para sa kalusugan at nutrisyon, lalo na para sa mga bata at mga ina sa San Rafael, ay maayos na naipapatupad. Na

SB San Rafael
Nov 10, 20251 min read


LGU San Rafael, Naghatid ng Tulong sa mga Evacuees ng Bagyong Uwan
Sa gitna ng hamon na dala ng Bagyong Uwan, hindi nag-atubili ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael na personal na bisitahin at abutan ng tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers matapos lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan. Pinangunahan mismo ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iikot upang kumustahin ang kalagayan ng bawat pamilya. Tiniyak ng Punong Bayan na sa kabila ng hirap na dulot ng kalamidad, ang bawat evacuee a

SB San Rafael
Nov 10, 20251 min read
Archives
bottom of page

